Usapin ng pagiging babae


Ang paksang ito’y karugtong
ng biruan at asaran,
ng ismid at kibit-balikat,
ng lingon, iling, at tango,
ng halukipkip, at upong dekwatro.
Ang dibate rito ay suntok sa buwan,
bulong sa hangin,
lakad sa tubig,
tibag sa bundok.
Ang hantungan ng tunggalian
ay halik o tadyak.
Walang ipapanalong katwiran
mabaliw na si Sisa,
maupod man ang tuhod
ng lahat ng manang,
lumaylay na ang suso
at mapunitpunit man
ang puki ng lahat ng Salome
ng lipunang ito.
‘Pagkat ang usapin
ng pagiging babae
ay inihaharap
ng bisig at kamao,
iginigiit ng may
pag-ibig at kamalayan,
pinaninindigan
ng armas at punglo.

by Zelda Soriano

Posted in: Blogroll on October 28th by Ledesma Maitet


No comments yet

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URL

Leave a comment